top of page

Mga magsasaka sa Isabela, tumanggap ng suporta para sa poultry project

Ang Calinga Tribe Integrated Farmers Association at Salaknib Former Rebel Integrated Farmer Association (SARIFA) sa San Mariano, Isabela ay tumanggap ng tig-100 starter chicken nitong Pebrero 26 bilang panimula sa kanilang poultry project na pinondohan ng DA, lokal na pamahalaan, at ng 95th Infantry Battalion.  


Layunin ng proyektong ito ang mapabuti ang kabuhayan at pasiglahin ang paglago ng agrikultura sa rehiyon, na sumisimbolo ng kapayapaan at pag-unlad ng komunidad. 



Opmerkingen


bottom of page