ECLIP at ALS: Edukasyon para sa kapayapaan
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Alternative Learning System (ALS) at ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), ang ika-9 na grupo ng mga dating rebelde (FRs) sa Kapayapaang Angat Center, Brgy. Tinungcop, Tantangan, South Cotabato ay nakilahok sa isang sesyon na nagpalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan.
Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kanilang mga kakayahan, at suportahan ang kanilang paglipat tungo sa isang produktibo at maunlad na buhay. Ito ay isang hakbang tungo sa isang mas mapayapa at maunlad na komunidad.

Yorumlar