top of page

BDP Stories

NTF ELCAC LOGO

With over 1,500 projects already approved and ready for deployment, the BDP and its effects are already being felt in rural communities all over the country. 

Here are their stories.

!

ELCAC is real

PANOORIN: Pinatunayan ng mga punong barangay ng Pood at Guinobatan Albay ang mga benepisyo at magandang naidulot ng ELCAC o End Local Communist Armed Conflict na inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon upang makamit ang pangkalahatang kapayapaan at pag-unlad. Dinala at inilapit sa mga malalayong barangay na ito nitong Sabado ang ang iba't-ibang serbisyo ng pamahalan sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan. POOD, GUINOBATAN ALBAY Ayon kay Joel Barra Convocar, barangay captain ng Pood, Guinobatan Albay, isa siya sa magpapatunay na napakaganda ng dala ng ELCAC sa kanilang barangay, kasama na rito ang P20-million worth na mga proyekto at asistensya na nakatulong maiangat ang kanilang kabuhayan. "Sinasabi nyo walang katotohanan pero isa ako sa witness ngayong araw na ito na lahat ng P20 -million worth projects na tinukoy ng council, ng lahat ng participants sa loob ng isang lingo ay maibibigay sa amin...Sa ganitong programa ng ELCAC, nalinawan ang lahat sa kung ano ang posisyon nila. ONGO, GUINOBATAN ALBAY Dagdag pa ni Gaudilla Uno, punong barangay ng Ongo, nabuo ang kanilang loob at nabuhayan sila ng pag-asa sa pag-asenso ng kanilang barangay, na dati ay pawang hindi nabibigyan ng pansin. "Talagang malaking tulong kasi nung una, ang mga bahay dito mga barong barong lang. Nung nagkakalsada, unti-unti na silang nagpapaganda ng bahay. Dati wala kaming tubig dito sa centro pero ngayon nagkaron na kami ng subversible water pump." Sa ngayon, ang barangay Pood at Ongog, kasama na ang iba pang insurgency-cleared barangays ay patuloy na tutulungan ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Interior and Local GOvernment upang makamit ang kanilang mga adhikain at pangarap na mapaunlad at maiangat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng mga natukoy na proyekto bilang tugon sa kanilang mga pangangailangan.
WATERFALL
05:03
TAGPORE
03:49
KIOTOY
03:39
MABUNAO
03:47
KATUALAN
02:29
TIBUNGOL
04:13
NEW MALITBOG
03:18
bottom of page